Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) na tatanggap ng cash assistance ang mga magsasaka at mangingisda ngayong Abril dahil sa nararanasang taas presyo ng langis dulot ng krisis sa Middle East.
Ayon kay Director Lorna Belinda Calda ng DA, makatatanggap ng P5,000 ang mga magsasakang gumagamit ng traktora, habang ang mga mangingisdang may motorized banca ay makakakuha nmaan ng P3,000.
Sinabi ng DA na mayrron silang P100 million pondo para tugunan ang programa na pakikinabangan nang nasa 14,400 na magsasaka at 15,669 mangingisda.
Una rito mayroong P10 billion na pondo para sa 4.217 millyong benepisyaryo sa ilalim ng Presidential Assistance to Farmers and Fisherfolk na ilalabas din ngayong buwan ng Abril.
Makatatanggap naman ng P3,200 ang bawat magsasaka mula sa Rice Competitiveness Enhancement Funds sa ilalim ng Rice Farmers Financial Assistance (RFFA).
Kaugnay nito nangako naman ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tutugon sa mga maaapektuhang minimum wage earners at middle class kung magpapatuloy ang krisis sa Hunyo at Hulyo sa ngayon ‘wala pa silang tiyak na plano kung aling sektor ang susunod na makikinabang ngunit nakahanda naman daw ang kanilang pondo.
Tiniyak naman ng Department of Budget and Management (DBM) na may sapat na pondo ang gobyerno para tugunan ang epekto ng krisis sa Middle East at mga kalamidad, lalo na sa pagsisimula ng tag-ulan sa buwan ng Hunyo.
















