Mahigit 22.8 milyong Pilipinong estudyante na ang nag-enrol para sa School Year 2023-2024 bago ang opisyal na pagbubukas ng mga klase sa mga pampublikong paaralan sa Agosto 29.
Batay sa pinakahuling datos ng Department of Education mula sa Learner Information System (LIS) Quick Count, may kabuuang 22,381,555 na mag-aaral ang nakapagparehistro.
Nagtala ang Calabarzon ng pinakamaraming bilang ng mga mag-aaral sa kabuuang bilang na3,446,304 na mag-aaral, sinundan ng Central Luzon sa 2,527,661 at National Capital Region sa 2,468,170 mga mag-aaral.
Kung matatandaan, nagsimula ang pagpapatala sa mga pampublikong paaralan noong Agosto 7, humigit-kumulang 3 linggo bago ang pagbubukas ng mga klase sa Agosto 29.
Dagdag dito, ipinag-utos ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na ang mga dingding ng silid-aralan ng mga pampublikong paaralan ay dapat wala ng mga likhang sining, dekorasyon, tarpaulin at poster sa loob ng buong silid.
Nauna nang nagpaalala ang DepEd na dapat na ring ihanda ng mga magulang ang kanilang anak sa pagbubukas ng SY: 2023-2024.