-- Advertisements --

Pinapoproklama na ng Commission on Elections (COMELEC) si Darwin Sia bilang nanalong konsehal sa ikalawang distrito ng Maynila. Ito ay matapos makakuha si Sia ng Temporary Restraining Order (TRO) mula sa Korte Suprema laban sa kanselasyon ng kaniyang Certificate of Candidacy (COC).

Batay sa inilabas na kautusan ng COMELEC En banc, inaatasan ang city board of canvassers ng ikalawang distrito ng Maynila na mag-reconvene sa loob ng limang araw mula sa pagtanggap ng kautusan upang maiproklama si Sia bilang nanalong miyembro ng Sangguniang Panglungsod.

Matatandaang kinansela ng COMELEC ang Certificate of Candidacy ni Sia dahil umano sa material misrepresentation, matapos itong maghain ng kandidatura kahit siya ay nahatulan sa kasong paglabag sa Anti-Pilferage Act.