Hindi nakalapit sa gate ng Kampo Aguinaldo ang mga Lumad na nagsagawa ng kilos protesta kanina dahil napigilan ang mga ito ng mga pulis.

Hinarang ng mga pulis ang grupo ng mga lumad at magsasaka na nagsasagawa ng kilos protesta.

Nasa 100 mga pulis ang nag barikada sa harapan ng grupo na nagsasagawa ng protesta.

Hiling ng grupo na ihinto na ng pamahalaan ang all out war sa Mindanao.

Bandang alas-10:30 ng umaga kanina ng magsimula ang kilos protesta sa harapan ng gate ng Kampo Aguinaldo sa may EDSA.

Nagkaroon pa ng tulakan sa pagitan ng mga pulis at rallyista dahil nais ng mga ito makalapit sa gate ng militar.

Pero nanaig pa rin ang pwersa ng mga pulis kaya’t nagsialisan na rin ang mga raliyista.

Bago mag alas-12:00 kanina ng tanghali matapos ang programa ng mga raliyista.