Nadagdagan pa na bilang ng mga lugar na inilagay sa signal number 2 dahil sa bagyong Florita.
Ayon sa PAGASA, nakita ang sentro ng bagyo sa 125 kilometers silangan ng Casiguran, Aurora.
Mayroong taglay na lakas na hangin na 85 kilometers per hour at pagbugso ng 105 kph.
Ang mga lugar na nasa signal number 2 ay kinabibilangan ng Cagayan; Camiguin, Fuga, Dalupiri, Pamuktan, Barit, Mabag, Irao Island na mga bahagi ng Babuyan Islands; Isabela; Quirin; Kayapa, Ambaguio, Solano, Villaverde, Bagabag, Diadi, Quezon, Bayombong, Bambang, Aritao, Dupax del Sur, Dupax del Norte, Kasibu, Alfonso Castaneda sa Nueva Vizcaya.
Apayao; Abra; Kalinga; Mountain Province; Ifugao; Solano, Villaverde, Bagabag, Diadi, Quezon, Bayombong, Bambang, Aritao, Dupax del Sur, Dupax del Norte, Kasibu, Alfonso Castaneda.
Habang nasa signal number 1 ang natitirang bahagi ng Babuyan Island; natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya; Natitirang bahagi ng Benguet; La Union; Eastern at Central Pangasinan; Silangan bahagi ng Tarlac, Nueva Ecija; natitirang bahagi ng Aurora; Silangan bahagi ng Pampanga; Silangan bahagi ng Bulaca; northern Laguna; Camarines Norte; Northern Quezon at Eastern Rizal.
Sa pagtaya ng PAGASA na posibleng mag landfall sa Cagayan ang nabanggit na bagyo sa umaga ng Martes, Agosto 23.