Dumami pa ang mga lugar na nasa ilalim ng tropical cyclone signal number one (1).
Ayon kay Pagasa weather specialist Grace Castaneda, nakataas na ang unang babala ng bagyo sa Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Bohol, northern at central portions ng Cebu (Daanbantayan, Medellin, City of Bogo, San Remigio, Tabogon, Borbon, Sogod, Catmon, Carmen, Danao City, Compostela, Liloan, Tabuelan, Tuburan, Asturias, City of Carcar, Pinamungahan, San Fernando, Toledo City, City of Naga, Balamban, Minglanilla, Cebu City, City of Talisay, Consolacion, Mandaue City, Lapu-Lapu City, Cordova) kasama na ang Bantayan at Camotes Islands; gayundin sa Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Camiguin at eastern portion ng Misamis Oriental (Magsaysay, Gingoog City, Medina, Talisayan, Balingoan, Kinoguitan, Sugbongcogon, Salay, Jasaan, Balingasag, Lagonglong, Binuangan, Claveria, Villanueva, Tagoloan).
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 735 km East of Hinatuan, Surigao del Sur.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 110 kph at may pagbugsong 135 kph.
Kumikilos ang bagyo nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis 25 kph.