-- Advertisements --

Pinalawig pa ng Japan ang ipinatupad na state of emergency sa ilang rehiyon nito dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Magtatapos sana sa Mayo 11 ang ipinatupad na restrictions sa Tokyo, Osaka, Hyogo at Kyoto subalit dahil sa hindi pa bumaba ang kaso ay pinalawig ito ng hanggang katapusan ng Mayo.

Ayon kay Japanese Prime Minister Yoshihide Suga na dinagdag nila ang mga lugar ng Aichi at Fukuoka na isailalim sa state of emergency.

Base sa ipinapatupad na batas na sarado ang mga bars, restaurant ganun din ang mga sinehan at karaoke parlours.

Umaasa ang prime minister na sa ipinatupad nilang state of emergency ay tuluyan ng mapapababa ang hawaan ng 4th wave ng virus.