Nangako ang mga lokal na opisyal sa lalawigan ng Bohol na tutulong ang mga ito sa pagbuo ng mga hakbang upang mas maprotektahan pa ang Chocolate Hills.
Ito ay kasunod ng mga isyu at kontrobersiyang bumalot sa naturang lugar na kilala rin na Isa sa 7 wonder’s of the world matapos na matuklasang may mga resort na itinayo sa ibababa at tuktok ng mga burol nito.
Ayon kay Bohol Gov. Erico Aristotle Aumentado, hindi lamang nauugnay sa environmental kundi maging sa social issues nauugnay ang usapin sa Chocolate Hills.
Dahil dito ay tiniyak niya na aakuin Nila ang buong responsibilidad para sa preservation ng natural wonders sa kanilang probinsya Para na rin sa susunod na mga henerasyon.
Kasabay nito ay tiniyak din niya na hindi rin Nila pababayaan ang mga pangangailangan at karapatan ng mga residenteng nakatira at namumuhay sa naturang protected areas.
Matatandaan na umani ng samu’t saring batikos ang mga istraktirang ilegal na itinayo sa Chocolate Hills nang walang kaukulang dokumento at permit mula sa gobyerno.