-- Advertisements --

Naglabas na ng kani-kanilang mga reaksyon ang ilang lider ng iba’t-ibang bansa sa patuloy na nagaganap na kaguluhan sa US.

Sinabi ni German Foreign Minister Heiko Maas na ang lehitimo ang nasabing kilos protesta dahil sa pagkasawi ng black-American na si George Floyd sa kamay ng mga kapulisan ng Minneapolis.

Tinawag naman ni Chinese Foreign Ministry spokesman Zhao Lijan na matagal ng sakit sa US ang racism at ang labis na natatamaan dito ay ang mga ethnic minorities.

Naniniwala naman si Iranian Foreign Ministry Spokesman Abbas Mousavi na nasa likod nila ang buong mundo sa nagpapatuloy na kilos protesta.

Nalungkot naman ang Australia, Germany at United Kingdom sa pananakit ng mga kapulisan sa mga mamamahayag na nagsasagawa ng coverage sa lugar.

-- Advertisement --

HIndi naman maiwasan na batikusin ni Washington Catholic archbishop Wilton Gregory sa ginawang pagpapakuha lamang ng larawa ni US President Donald Trump sa harap ng Saint John Paul II National Shrine.

Sinabi nito na mali ang mali ang paggamit at pagmanipula na ginawa ni Trump sa pagpapakuha ng larawan habang hawak ang biblya.

Malinaw aniya na nilabag ni Trump ang religious principles ng simbahan kung saan ipinagtatanggol ng simbahan ang karapatan ng mga tao.

Tiniyak naman ni US Attorney General William Barr, na patuloy ang kanilang pagkalat ng mga kapulisan sa paligid ng White House.