-- Advertisements --
dada30935bcfc75c69e651430ea8815f

Nanatiling mataas ang bilang ng mga lalaki sa labor force sa bansa kaysa sa mga kababaihan kasunod ng August 2023 labor force survey ng Philippine Statistics Authority o PSA

Ayon kay Undersecretary Dennis Mapa, National Statistician, Chief ng Philippine Statistics Authority, nasa 76.3 percent ang labor force participation rate ng mga kalalakihan noong Agosto kumpara sa 52.9 lamang sa mga kababaihan sa kaparehong buwan.

Nitong Agosto 2023 ang employment rate ng mga kalalakihan ay 96 percent na mas mataas kaysa sa naitalang employment rate ng mga kababaihan na nasa 95.1 percent.

Samantala, 4 percent sa kada isang libo na mga kalalakihan ang walang trabaho o negosyo nitong Agosto sa kasalukuyang taon, ito ay mas mababa kaysa sa unemployement rate ng mga kababaihan na nasa 4.9 percent.

Sa mga employed na kalalakihan nitong Agosto 2023 13.1 percent sa kanila ay underemployed, mas mataas ito kaysa sa underemployed ng mga kababaihan na nasa 9.7 percent lamang.

Kaugnay nito sa datos ng pangunahing sector, nangunguna pa rin ang services sector na nanatiling bumubuo sa may pinakamalaking bahagi ng labor force na nasa 57.3 percent share. Kasunod nito ang sektor ng agrikultura na may 24.5 percent share habang ang nasa industry sector ay mayroong 18.2 percent share.