-- Advertisements --

Ipinag-utos na ni PNP (Philippine National Police) officer-in-charge (OIC) Lt. Gen. Archie Gamboa ang pag-aresto sa mga lalabag sa “vaping van.”

Ito’y kasunod ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na bawal na ang paggamit ng vape sa mga pampublikong lugar.

Kaugnay nito, mahigpit ang bilin ni Gamboa sa lahat ng mga police units na istriktong ipatupad ang vaping ban sa buong bansa.

Kabilang sa utos ni Gamboa ang pagkumpiska sa vaping paraphernalia at pag-account sa mga tindahan ng vape.

“The latest instruction of President Duterte is in relation to Executive Order No. 26 series of 2017 that provides for the establishment of smoke-free environments in public and enclosed places,” ani Gamboa.

Samantala, idineklara na rin ng PNP-OIC sa lahat ng kampo at himpilan ng PNP sa buong bansa ang “no vaping zones.”

Babala ni Gamboa, ang mga pulis na mahuhuling lalabag sa kautusan ay mahaharap sa disciplinary action.

Ang mga heads of offices at mga unit commanders naman ang magiging “accountable” sa pagpapairal ng vaping ban sa kanilang mga tauhan.