GENERAL SANTOS CITY – Suspendido pa rin hanggang bukas ang pasok ng mga mag-aaral sa lahat ng antas sa lungsod ng General Santos pribado at pampublikong paaralan.
Ito ay dahil dapat munang magkaroon ng malawakang inspeksyon sa mga stuktura ng mga paaralan upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral kabilang na ang mga guro.
Mismong si Gensan Mayor Lorelie Pacquiao ang naglabas ng local executive order kaugnay ng pagsususpinde ng mga klase.
Matatandaang maraming estudyante ang nawalan ng malay at may ilan ang nanatili pa sa bahay pagamutan dahil sa natamong mga injuries na resulta ng malakas na pagyanig nagdaang Biyernes ng hapon.
Batay sa datus mula sa Office of Civil Defense Region 12, umakyat na sa walo ang bilang ng mga nasawi, apat dito ay mula sa Sarangani, tatlo sa General Santos City, at isa sa Davao Occidental.
Samantala wala pang pinal na datus ang Rehiyon sa kabuuang pinsala sa imprastraktura.
Posible ring magkaroon na ng session ang Sangguniang Panglunsod ng Gensan at balik trabaho na sin ang Local Govenment Employees bukas.
Matatandaang pinadikitan ng mga yellow stickers ng City Engineers Office ang City Hall building at Sangguniang Panlungsod Building sa unang assessment na nangangahulugang may mga opisina at exterior design ang napinsala.