-- Advertisements --
Nilinaw ng National Housing Authority (NHA) na kasama ang mga katutubo o Indigenous Peoples (IPs) na kanilang prayoridad para mabigyan ng libreng pabahay ng gobyerno.
Sinabi ni NHA General Manager Joeben Tai na hindi nila iniiwan ang nasabing mga katotobo na mabigyan ng mga pabahay.
May ugnayan na rin ang kanilang opisina sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) at mga local government units para sa nasabing pagpapatayo ng pabahay.
Nagbabala rin ang NHA sa mga benepesaryo ng mga pabahay ng gobyerno na mayroong karampatang kaparusahan kapag ibinenta nila ang kanilang bahay.