Nirerespeto ng Department of Health ang naging rekomendasyon ng Office of the Ombudsman laban sa dating kalihim ng naturang kagawaran na si former Secretary Francisco Duque III.
May kaugnayan pa rin ito sa umano’y pagkakasangkot nito sa irregular transfer NG mahigit Php41 billion na halaga para sa procurement ng COVID-19 supplies noong taong 2020.
Ayon kay DOH Spokesperson Albert Domingo nirerespeto ng kanilang kagawaran ang lahat ng mga Legal proceedings ukol dito kasabay ng pangakong pakikipagtulungan sa mga kinauukulan kung kinakailangan.
Kung maaalala, inirekomenda ng Ombudsman na sampahan ng graft charges sina dating Department of Budget and Management Undersecretary Christopher Lao at former Health Sec. Duque matapos na makitaan ang mga ito na guilty Sa grave misconduct, gross neglect of duty, at conduct prejudicial to the service nang dahil sa umano’y maanomalyang deals na kinasangkutan ng mga ito noong pandemic.