Dinaluhan ng mga malalapit na kaanak at kaibigan ang huling gabi ng burol ni dating senador Aquilino ‘Nene’ Pimentel Jr sa Heritage Memorial Park sa Taguig.

Nagsagawa ng pag-aalay ng dasal at Necrological Service ang mga kasapi ng Integrated Bar of the Philippines (IBP).

Nagtungo rin ang ilang mga kapartido ng dating senador mula sa Partido Demokratiko Pilipinas (PDP) Laban.

Magkakaroon ng misa mamayang 9 a.m. bago isagawa ang paglibing.