Isiniwalat ng isang farmer’s group na ang pangunahing programa ng gobyerno na ‘Kadiwa’ ay hindi sapat upang tugunan ang pakikibaka ng mga magsasaka sa mababang farm gate price ng mga agricultural products.
Ang pahayag ay mula sa monitoring ng farmers’ group Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP).
Pinuna ni KMP Chairman Danilo Ramos ang Kadiwa, na inihambing ito sa isang patak ng ulan sa disyerto.
Aniya, ang Kadiwa ay hindi solusyon.
Ang Kadiwa kasi ay tumutukoy sa mga tindahan kung saan ibinebenta ang mga kalakal sa mas mababang presyo.
Ginagawa ang sistemang ito sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga magsasaka sa mga mamimili.
Nag-ugat ang kanyang pahayag sa mga reklamo ng mga magsasaka ng gulay sa Cordillera na ikinalungkot ang mababang presyo ng farm gate ng mga highland vegetables, sa kabila ng mataas na gastos sa produksyon.
Bukod pa rito, ang iba pang mga highland na gulay, kabilang ang repolyo, ay ibinebenta pa rin sa mababang presyo sa mga pamilihan dahil sa pagdagsa ng suplay.