-- Advertisements --
KALIBO, Aklan — Pinaalalahanan ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) ang mga kabataan na huwag sumali sa mga isinasagawang rally laban sa umano’y maanomaliyang resulta ng halalan sa bansa.
Ayon kay RTF-ELCAC Spokesperson Prosecutor Atty Flosemer “Chris” Gonzales, walang masama sa pagpapahayag ng saloobin, subalit kailangang maging mapagbantay at siguraduhing ang sasalihang grupo ay hindi radikal.
Aniya, may intelligence report na isa sa mga target ng recruitment ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ay mga kabataang nakikiisa sa mga kilos protesta.
Kasabay nito, umapela si Gonzales na igalang ang pasya ng nakararami sa katatapos na eleksyon.