Nagsampa ng kasong obstruction of justice ang mga kaanak ng nawawalang sabungero sa Department of Justice (DOJ) laban kay Atty. Caroline Cruz ang abogado ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang.
Ayon sa mga complainant na binayaran umano ng abogado ang ilang mga kasamahan nilang kaanak ng mga nawawalang sabungero para tuluyan ng iatras ang kaso.
Mayroon aniyang tig-P40,000 na tinatanggap umano kada buwan ang ilang mga kaanak ng mga sabungero para tuluyang hindi na ituloy ang kaso.
Magugunitang sinampahan na rin ng kaso si Ang matapos na ibunyag ng whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan na ang negosyante ay siyang mastermind sa nasabing pagkawala ng mga sabungero.
Ipinatapon niya ang mga bangkay sa Taal Lake kung saan ilan sa mga ito ay natagpuan na.
Kinumpirma na rin ni Prosecutor General Richard Fadullon na ilang pamilya ng mga nawawalang sabungero ay hindi na interesadong dumalo sa mga pagdinig kahit na anumang sakripisyong ginawa ng gobyerno.
















