-- Advertisements --

DAVAO CITY – Malaki ang paniniwala ng mga supporters at kaalyado ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio sa Ituloy ang Pagbabago Movement (IPM) na magbabago pa ang desisyon ng nito lalo na at matagal pa naman ang filing ng Certificate of Candidacy (COC). 

Kasunod ito ng pahayag ng alkalde na wala siyang plano na tumakbo sa pagkapresidente base na rin sa kasunduan nila ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte na isa lamang sa kanilang pamilya ang kakandidato sa mataas na posisyon sa halalan sa susunod na taon.

Matatandaan na kamakailan lang ay inanunsyo ng ruling party PDP-Laban na sii Pangulong Duterte ang napiling standard bearer nila para sa 2022 polls .

Ayon kay IPM convenor Davao Occidental Governor Claude Bautista,  mahaba pa ang panahon bago ang deadline sa filing ng COC at posibleng marami pa ang mangyayari. 

Naniniwala si Bautista na si Mayor Inday lamang ang maaaring makapagpatuloy sa mga nasimulan ng kanyang ama. 

Samantalang sinabi rin ni Liloan Mayor Christina Garcia Frasco, tagapagsalita ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na posibleng tatakbong muli sa pagka-Mayor ng Davao ang alkalde lalo na at hindi pa tapos ang termino nito.