Ibinunyag ng isang Senador na wala pa ring tigil ang mga insidente ng kidnappings o pagdukot may kinalaman sa Philippine offshore gaming operators (POGOs) sa kabila ng pagtitiyak ng mga awtoridad na natugunan na ang kriminalidad na may kaugnayan sa industriya.
Base sa report ng Senate committee on ways and means, sinabi ni Panel Chair Senator Sherwin Gatchalian na ang pagtitiyak na ibinigay ng mga awtoridad ay hindi natugunan ang mga insidente ng Pogo-related kidnapping sa bansa.
Ang komite kasi ang siyang nangunguna sa pagsasagawa ng ilang serye ng pagdinig para timbangin ang socioeconomic impact ng pagbabawal ng Pogos sa bansa bilang tugon sa mga napaulat na krimen may kinalaman sa nasabing industriya.
Isiniwalat ng Sendor na sa isang sulat na kaniyang natanggap noong Marso 9 mula sa National Bureau of Investigation (NBI) iniulat ang panibagong insidnete ng kidnapping sangkot ang isang lisensiydong Pogo.
Sa naturang sulat, humingi aniya ang Embahada ng People’s Republic of China sa Pilipinas ng tulong sa NBI noong Pebrero para sagipin ang isang lalaking Chinese national na natukoy na si Co Xialong na umano’y iligal na ikinulong ng Brickhartz Technology Inc. sa ShuangMa Industrial Park sa lalawigan ng Cavite.
Ayon sa mambabatas patuloy ang pagtratrabaho ng NBI para sa pagsecure ng posibleng leads para masagip ang biktima.
Tinukoy din ng mambabatas na ang naturang kompaniya ay isa sa erring Pogo firms.
Sa kabila nito, sinabi naman ng Philippine Amusement and Gaming Corporations noong mga nakalipas na buwan na wala silang namonitor na ilegal na mga aktibidad ng offshore gaming industry sa mahigit na tatlong buwan na resulta aniya ng kanilang inter-agency crackdown sa iligal na gaming operations sa bansa.