Pinirmahan ni Russian President Vladimir Putin ang isang batas na pagsasailalim sa military service para sa mobilization sa Ukraine ang mga Russians na nahatulan na ng kasong murder, robbery, larceny, drug trafficking at ilang seryosong krimen sa ilalim ng Criminal Code of the Russian Federation.
Tanging hindi kasama dito ay yung mga kasong pang-aabuso sa mga minor de edad, treason, pag-iispiya o terorismo, pagtangka sa pagpatay sa isang government officials, pag-hijack sa mga eroplano, extremist activist at iligal na paghawak ng mga nuclear materials at radioactive substance.
Nauna ng sinabi ni Putin na mayroong dagdag na 18,000 sundalo ang na-mobilize mula sa dating 300,000.
Magugunitang kinondina ng maraming bansa ang paglalagay ng Russia ng mga dagdag puwersa sa paglusob sa Ukraine