-- Advertisements --

Tiniyak ng economic managers ng Duterte administration na hindi hahayaang maiwan ang mga sektor na bagsak pa rin, sa kabila ng pagpapalakas na muli ng kalakalan.

Ayon kay Trade Sec. Ramon Lopez, ang ibang industriya ay nagpakita na ng impresibong performance, kumpara sa nakaraang taon at kahit ihambing pa sa pre-pandemic time.

Partikular na ang export, manufacturing at BPO industries, na nakapag-operate pa rin ng halos normal kahit may mga ipinapa-iral na lockdown.

Kaya naman, umaagapay ang gobyerno sa mga negosyong hirap pa ring makabangon, mula sa pagkalugi.

Ilan sa mga ito ang sektor ng turismo, amusement parks, concerts, peryahan at marami pang iba.