-- Advertisements --
image 67

Napanatili ng mga ibinebentang bigas sa mga pamilihan sa National Capital Region ang price range na unang itinakda sa ilalim ng price cap.

Ito ay matapos ang pagtanggal ni PBBM sa limitasyon sa presyo ng well milled at regular milled na bigas.

Batay sa naging monitoring ng Department of Agriculture sa mga merkado sa kamaynilaan, ang presyo ng well-milled rice ay mula P44 hanggang P48 kada kilo.

Naitala naman ang P40 hanggang P44 na kada kilong presyo ng regular milled na bigas.

Para sa mga imported na bigas, ang presyo ng well milled ay mula P45 to P48 per kg habang ang special variety at premium ay mula P52 hanggang P60 kada kilo.

Nauna nang sinabi ng DA at DTI na babantayan pa rin nito ang presyo ng mga produktong bigas na ibinebenta sa mga merkado sa bansa, matapos tanggalin ni PBBM ang price cap.

Ngayong panahon ng anihan, inaasahan ng naturang ahensiya na makakaani ng hanggang sa 1.9 metriko tonelada ng bigas na siyang magpapatatag sa buffer stock ng bigas sa bansa mula sa dating 52 araw patungong 74 na araw.