-- Advertisements --
Hindi pa raw malinaw kung saan gugugulin ni President Donald Trump ang kaniyang mga huling linggo bilang presidente ng Estados Unidos.
Naglalabasan kasi ang mga espekulasyon kung aalis ang Republican president sa White House para sa nalalapit na holiday season at hindi na babalik.
May mga plano umano si Trump na magtungo sa kaniyang bahay sa Mar-a-Lago sa Palm Beach, Florida para doon magdiwang ng Pasko at Bagong Taon ngunit wala na raw ibang detalye na ibinahagi ang pangulo tungkol sa nasabing plano.
Posible raw na bumalik si Trump sa Washington ilang araw bago matapos ang kaniyang termino, subalit may mga impormasyon din na nagbabalak ito na huwag nang bumalik sa White House.