-- Advertisements --

Ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Navotas Fish Port Complex (NFPC) sa Navotas City upang personal na suriin ang operasyon ng fish port at ang patuloy na rehabilitasyon ng mga pasilidad nito.

Ayon sa Pangulo, layunin ng inspeksyon na matiyak na nakasasabay ang imprastraktura ng NFPC sa lumalaking pangangailangan ng sektor ng pangingisda.

Bahagi rin ito ng patuloy na pagsisikap ng administrasyon na paunlarin ang mga pampublikong pasilidad na sumusuporta sa industriya ng pangingisda at matiyak ang sapat at tuloy-tuloy na suplay ng mga produktong-dagat para sa mga Pilipino.