-- Advertisements --

Hindi na ihaharap ng prosecution bilang mga testigo sina Office of the Vice President Chief of Staff Zuleika Lopez at House Legislative Security Bureau Executive Director Capt. Belinda Bello sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay prosecution counsel Lorna Kapunan, hindi na kinakailangan at magiging paulit-ulit na lamang ang kanilang testimonya.

Naniniwala din si Kapunan na mayroon ng mga sapat na impormasyon na kanilang nakuha mula sa mga naunang witness na iniharap.

Ang kasalukuyang pagdinig ay nakatuon sa impeachment article na may kaugnayan sa umano’y pagbabanta ng Bise Presidente laban sa ilang opisyal. (report by Bombo Jai)