Kinontra ng kampo ni Senator Jinggoy Estrada ang plano ng prosecution na tanggalin na si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan sa graft charge dahil sa anomalya sa flood control.
Sa isinagawang pagdinig sa Sandiganbayan Second Division, na naghain ang kampo ni Estrada ng pagkontra ilang araw bago pa man ang mosyon ng Office of the Ombudsman na tanggalin si Bonoan mula sa kaso at i-amyenda ang kaso.
Ayon sa prosecution na magiging isang cooperative witness na lamang si Bonoan hindi lamang laban kay Estrad at maging ang ibang mga sangkot sa anomalya sa flood control na iniimbestigahan ng Ombudsman.
Una ng kinuwestiyon ni Presiding Justice Geraldine Econg ang legalidad sa hindi pagsama kay Bonoan matapos na ito ay nakasuhan na.
Sa argumento naman ng prosecution na ang hindi pagsama kay Bonoan ay napapaloob sa Rule 110, Section 14 ng Rules of Court na papayagan ang mga akusado mula sa criminal information sa pamamagitan ng formal amendment.
Subalit giit ni Atty. Laurence Arroyo ang abogado ni Estrada na ang panukalang pagbabago ay mababago ang teorya ng prosecution sa kaso.
Nakasaad din kasi sa orihinal na impormasyon na nagsabwatan sina Estrada at Bonoan sa paggawa ng nasabing krimen.
Subalit iginiit ng prosekusyon na ang hindi pagsama kay Bonoan bilang akusado ay hindi na makakaapekto sa laban kay Estrada na sangkot pa rin ito sa parehas na flood control projects, ang umanoy budget insertions at kickbak commitments.
Kinumpirma rin ni Presiding Justice Econg na ang panukala para sa pag-amyenda sa information ay naisumite na para sa resolusyon.
Dumalo sa pagdinig si Bonoan nitong Martes ng hapon habang nakasakay sa isang wheelchair kung saan sinabi ng abogado nito na nakakaranas pa rin ito ng pananakit sa dibdib.
















