Nakatakda nang isagawa ngayong darating na Hunyo 27 hanggang 29 ang public hearing kasunod ng panukalang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Negros Oriental.
Inihayag ni COMELEC-7 Regional Election Director Atty. Lionel Marco Castillano na kailangan itong isagawa upang matukoy kung ano talaga ang sentimyento ng iba’t ibang sektor sa lalawigan.
Sinabi pa nito na inimbitahan pa umano nila ang Department of Education, Philippine National Police, NAMFREL, mga brgy. officials at ang business sector.
Personal din umanong saksihan ang pagdinig ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia kasabay ng pagsasagawa ng coordinating conference na dadaluhan ng mga security sector at business representatives upang personal na makita o marinig mula sa mga ito kung ipagpaliban o hindi ang halalan sa nasabing lalawigan.

Samantala, nagsisimula na umanong bumisita sa mga paaralan ang mga election officers ng rehiyon upang matukoy kung sapat ang silid-aralan upang magamit bilang isang polling precinct ganun din ang pagpapatupad ng seguridad sa panahon ng election proper ay pinaghahandaan na rin.
ibinunyag pa ni Castillano na ‘manageable’naman umano ang seguridad sa Central Visayas dahil mas kaunti na umano ang communist influence sa apat na mga probinsya kung saan sa Negros Oriental ay lumiliit na rin umano.
Paglilinaw pa nito na na walang kapangyarihan ang COMELEC na i-extend ang termino ng mga opisyales sakaling mapostpone ang eleksyon sa lalawigan kundi dapat pa rin umanong isagawa ang eleksyon pagkatapos ng isang buwan mula ng isinagawa ng orihinal na skedyul sa botohan.