Inimbitahan ng Senate Blue Ribbon Committee si dating House Speaker at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez sa pagpapatuloy ng pagdinig kaugnay ng umano’y flood control scandal.
Ayon kay Sen. Pia Cayetano, na siyang chair ng komite, nakatakda ang hearing bukas Hunyo 4, 2026.
Kasama si Romualdez sa 34 na personalidad na inimbitahan ng komite.
Una nang itinanggi ng Kongresista na hindi siya ang umano’y nasa likod ng iregularidad na mga proyektong pang imprastuktura at budget insertions sa pamahalaan.
Inimbitahan din ng komite ang 18 indibidwal na nagpakilalang dating mga tauhan ng Philippine Marines, na nagsabing naghatid sila ng umano’y kickbacks sa ilang opisyal ng gobyerno.
Inimbitahan din si dating assistant engineer Brice Hernandez, na dati nang nag-akusa sa ilang mambabatas kaugnay ng flood control anomaly.
Ayon sa komite, layunin ng imbestigasyon na alamin ang katotohanan sa likod ng mga alegasyon at tiyakin ang pananagutan sa mga proyekto ng gobyerno.















