Matapos kuwestyunin ng mga miyembro ng minorya kung bakit tila minamadali umano ang deliberasyon sa panukala ni Senator Rodante Marcoleta na payagan ang mga senador na maka boto online kung may sapat o valid na dahilan.
Nagbukas ito ng katanungan kung ito ba ay pabor para sa ilang miyembro ng majortiy bloc.
Matapos na uminit ang ulo ni Senator Erwin Tulfo sa umano’y pagmamadali na matalakay ang mosyon. Mariing kinuwestyon niya ang mga kasamahan sa mayorya kung may dahilan ba sa likod nito. Pinunto ng senador ang pag-aanunsyu ng Office of the Ombudsman na maghahain ito ng kaso laban sa ilang mga senador.
Matatandaan na pormal na ipinahayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na sasampahan ng ahensya ng kasong plunder sa Sandiganbayan si Senator Jinggoy Estrada dahil sa umano’y pagkakasangkot sa multi-billion flood control scandal.
Susunod naman umano na sasampahan din ng kaparehong kaso si Senator Joel Villanueva dahil sa umano’y partisipasyon rin nito sa umano’y mga kickbacks sa proyekto.
Habang iniimbestigahan naman si Senator Rodante Marcoleta kaugany ng alegasyong pagtanggap umano nito ng P75 milyon campaign donations para sakanyang pagtakbo bilang senador noong 2025 elections.
Si Senator Ronald “Bato” dela Rosa naman na ay muling nagtago kaugnay ng kinakaharap na arrest warrant sa International Criminal Court (ICC)
Gayunman, iginiit ni Marcoleta na ang kaniyang mosyon na payagan ang mga senador na maka dalo sa sesyon at maka boto sa pamamagitan ng teleconference ay napapanahon lalo na sa umuusbong na makabagong teknolohiya sa kasalukuyang henerasyon.
Ipinunto rin ng senador na maging ang pagpayag sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) na makaboto online tuwing eleksyon kahit sila ay malayo sa Pilipinas.
Mariing tinutulan naman ito miyembro ng minorya kung saan iginiit ng grupo na hindi sumusunod ang majority bloc sa panuntunan ng Senado.
Ayon kay Senator Risa Hontiveros, hindi pa umabot sa usapin kung may substance ang mosyon ngunit nais na agad umano ito talakayin sa plenaryo. Paninindigan naman ni Senator Sherwin Gatchalian ang teleconference ay pinapayagan lamang kung may national emergency o may pandemya kung kaya’t hindi dapat umano basta-basta amyendahan ang rules ng Senado.
Samantala, matatandaan na nagkaroon ng parehong sitwasyon sa Senado noong nakulong si dating Senator Lila de Lima at humuling ang kaniyang mga kaalyadong senador na makadalo ito sa sesyon via online ngunit ibinasura ito ng Muntinlupa Regional Trial Court.
















