Nanindigan ang National Bureau of Investigation na legal ang isasagawang pag-aresto kay Sen. Jinggoy Estrada kahit nasa loob pa ng senado sakaling maisyuhan ng ‘arrest warrant’.
Sa pahayag ni NBI Dir. Atty. Melvin Matibag, kanyang binalikan ang naging sitwasyon noon inihahain nila ang ‘warrant of arrest’ mula International Criminal Court laban kay Sen. Bato Dela Rosa.
Aniya’y iginiit ng senado, nang magpakustodiya ang mambabatas ay hindi raw isang ‘local court’ ang ICC; papayag lamang raw na arestuhin ito kung mula sa lokal na korte ang warrant.
Kung kaya’y gamit ang ganitong argumento, tiwala ang naturang direktor na magiging legal ang kanilang isasagawang implementasyon ng warrant kay Sen. Jinggoy Estrada.
Katulad sa ibang mga senador na inaresto at sinilbihan ng warrant ay nanindigan siyang legal ang pag-aresto nasa loob man ng senado.
Kaugnay dito’y tiniyak ng kawanihan ang kahandaan sa pagpapatupad ng ‘arrest warrant’ na ilalabas at ipadadala ng korte sa tanggapan.
Makatitiyak umano na walang magiging espesyal na pagtrato kay Sen. Jinggoy Estrada sakali ipag-utos man ng hukuman na isilbi ang arrest warrant laban sa kanya.
Binigyang diin ni NBI Dir. Atty. Melvin Matibag na walang ‘special treatment’ ang kawanihan para sa mambabatas.
Aniya’y katulad ng ibang mga inisyuhan ng ‘arrest warrant’, walang pagkakaiba sa kanilang isasagawang implementasyon pagdating kay Sen. Estrada.
Habang nlinaw naman ng direktor na papasok sa hurisdiksyon ng Sandiganbayan ang nababanggit na medikal na pangangailangan ng mambabatas.
Sa oras na maharap ito sa warrant na ilalabas ng hukuman, mayroon dalawang opsyon raw si Sen. Jinggoy, una’y ang kusang pagsuko at pangalawa’y ang mismong pag-aresto na sa kanya.
Kung maalala, ang ikalawang dibisyon pa lamang Sandiganbayan ang nag-isyu ng warrant laban sa senador ngunit pinayagan nnaman makapagpiyansa.
Patuloy inaantabayan ngayon ang posibilidad na mag-isyu ng ‘arrest warrrant’ ang ikalimang dibisyon ng korte sa kaso nitong ‘plunder’ na kinakaharap.
















