-- Advertisements --

ILOILO CITY – Umabot na sa 100 percent ang intensive care utilization rate sa Iloilo City.

Iloilo West Visayas COVID patients

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mr. Jeck Conlu, spokesperson ng COVID-19 team ng Iloilo City government, sinabi nito na patuloy ang pagdami ng mga COVID-19 patients na nasa waiting list ng mga ospital sa lungsod.

Nangangahulugan ayon kay Conlu na naubos na ang mga hospital beds sa lungsod para sa mga pasyente na nahawaan ng virus.

Dahil dito, nakipag-ugnayan na ang Iloilo City government sa mga hotels sa lungsod upang gawing extension para sa mga COVID-19 patients.