-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patuloy pa na pinaghahanap nga mga otoridad ang retiradong sundalo nga nagtatago ng mga hindi lisensyadong mga armas at bala sa kanyang bahay sa Sitio Dalusan, Brgy. Quinar-upan, Bingawan, Iloilo.

Ang ex-army ay si Regino Ligaray, residente ng nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Major Rolando Araño, spokesperson sang Iloilo Police Provincial Office, sinabi nito na nakatakas si Ligaray bago pa man isinilbi sa kanyang bahay ang search warrant.

Ayon kay Araño, nasamsam ng mga otoridad sa kanyang bahay ang 12-gauge shotgun, isang caliber .38 revolver, isang caliber .45 pistol, isang 12-gauge homemade shotgun, dalawang magazines ng caliber .45, at iba’t-ibang mga bala.

Bago nito ayon kay Inot, nakatanggap sila ng reklamo na nanunutok ito ng armas at nagpaputok ng baril kapat lasing.

Sa ngayon, nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.