CAUAYAN CITY- Handang isapubliko ng Southern Isabela Medical Center (SIMC0 Santiago City ang kanilang isasagawa pagbabakuna sa kanilang mga healthcare workers.
Ito ay para maipakita sa Publiko ang magandang dulot ng bakuna at para mahikayat ang publiko na magpabakuna ng Sinovac Vaccines .
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Jose Ildefonso Costales, Jr. Medical Center Chief ng SIMC, sinabi niya na isa ang kanilang pagamutan sa mga mabibigyan ng Sinovac Vaccine sa Region 2 na inaasahang darating sa araw ng Linggo.
Bilang paghahanda ay abala ang mga vaccine appointed person na sina Dr. Ramon Hilumen at Dr. Kelvin Co sa pakikipag-tulungan ng City Health Office Santiago at DOH Region 2 para sa pagdating ng bakuna.
inaasahang maisasagawa bukas ang Vaccine Simulation sa SIMIC .
Handa ang pagamutan na ipakita sa publiko ang kagandahan ng pagpapabakuna.
Patungkol sa storage at facility, ay available naman ang mga ito sa pagamutan na pangunahing pag-iimbakan ng Sinovac Vaccine.
Inaasahang karamihan sa mahigit 1,000 kawani ng pagamutan ay mababakunahan dahil sisiguraduhing physically fit at may edad 18 hanggang 59 anyos ang unang mababakunahan.
Idinagdag pa niya na nararapat lamang na sila ang maunang sumailalim sa vaccination dahil tiwala silang ligtas ang binibiling bakuna ng Pamahalaan.