Inisa-isa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa United Nations General Assembly ang nakikita niyang mga hamon sa umano’y survival ng global community.
Sa kaniyang talumpati sa 77th session of the United Nations General Assembly sa New York, unang hamon umano ay ang pagharap sa climate change.
Giit ni Marcos na ang Pilipinas ang ika-apat sa mga itinuturing na “most vulnerable country” sa apekto ng climate change.
Dehado aniya ang maliliit na bansa, habang ang ibang mas malalaki ang siyang responsable sa malaking carbon emmission, na nakakadagdag sa epekto ng pagkasira ng kalikasan.
Isang hamon din ayon sa presidente ang mabilis na development ng advance technologies, na bagama’t may nakukuha tayong pakinabang, ngunit nagdudulot naman ito ng problema sa ating “political at social orders.”
Bukod dito sinabi din ng Pangulo na ang lumalawak na “geopolitical polarities” o hindi pagkakauwaan ng mga bansa ang isa din sa kailangan maresolba dahil humahantong ito sa “inequalities and inequities” sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Dagdag pa ng opisyal, mas lalong lumala ang injustice nang magkaroong ng COVID-19 pandemic, kung saan mas naunang makakuha ng bakuna kontra sa virus ang mayayamang bansa, habang maraming developing countries ang napapag-iwanan.