-- Advertisements --
ILOILO CITY – Labis na ipinagmamalaki ng mga guro ni Rabiya Mateo ang kanyang performance ng kanilang dating estudyante sa Miss Universe preliminary competition.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Febe Tolentino, Grade 5 teacher ni Rabiya, sinabi nito na labis ang kanilang kasiyahan nang makita ang kanilang estudyante na rumarampa sa Miss Universe stage.
Aniya, hindi nila akalain na ang isang mahiyaing babae ay magiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe.
Naniniwala naman ang guro na malaki ang tsansa ng Ilongga beauty queen na makuha aang ikalimang korona para sa Pilipinas dahil sa positibo nitong ugali at isa na ngayong palaban na babae.
Isang art exhibit naman ang isinagawa sa bayan ng Balasan bilang pagpapakita ng suporta kay rabiya.