Maaari ng matanggap ng mga guro ang kanilang 2021 performance-based bonus sa loob ng dalawang hanggang tatlong linggo ayon sa Department of Educations.
Ito ay sa oras na maisumite na ng lahat ng 15 rehiyon ang revised form na iminandato ng Department of Budget and Management (DBM).
Ayon kay Educations Assistant Secretary Francis Bringas, nakapagsumite na sa DBM ng Form 1.0 ng school-based personnel na kailangan para sa pagpapalabas ng naturang bonus ang mga rehiyon gaya ng Cordillera Administrative Region (CAR), Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, at Mimaropa.
Una ng sinabi ng DBM na ibinalik sa Personnel Division, Bureau of Human Resource, and Organizational Development (BHROD) ang Form 1.0 ng 15 rehiyon para sa revalidation o revision dahil sa dobleng entries, at iba pang kadahilanan.
Matatandaan na naglabas ang DBM ng Special Allotment Release Order at Notice of Cash Allocation na nagkakahalaga ng P950,942,317 sa Deped para sa mga kwalipikadong school-based personnel sa mga rehiyon.
Kapag eligible, makakatanggap ang isang guro ng kaniyang performance-based bonus na katumbas ng 65% ng kaniyang buwanang basic salary.