Tiniyak ng Department of Health (DoH) ang patuloy na monitoring sa 10 Pinoy na nauna nang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) na nakauwi na sa Pilipinas.

Nabatid na ang mga ito ay nagmula sa Japan, bilang crew ng MV Diamond Princess cruise ship.

Ayon kay Health Asec. Maria Rosario Vergeire sa panayam ng Bombo Radyo, may mga checkup pa ring gagawin para sa mga naka-recover upang matiyak kung maayos na ang kanilang kalusugan.

Habang mananatili pa rin sa mga ospital sa Japan ang iba pang crew, para kompletuhin ang gamutan at quarantine.