-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Magpupulong ang mga gobernador sa bansa para talakayin ang patas na pamamahagi ng bakuna sa mga lalawigan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Governor Rodito Albano ng Isabela na nagaglit na rin ang mga kasama niyang gobernador dahil mas maraming bakuna ang ibinibigay sa Metro Manila at kaunti ang mga ibinibigay sa mga lalawigan.

Sinabi ni Gov. Albano na magpapatawag sila ng meeting sa mga kasapi ng League of Provinces in the Philippines (LPP) sa lalong madaling panahon.

Dito sa Isabela aniya ay 10% pa lamang ng populasyon nito ang nabakunahan.

Palagi siyang tumatawag kay Vaccine Czar Carlito Galvez ngunit kapag sinasabi na dadagdagan ang alokasyon ng Isabela ay umaabot lamang sa 3,000 Doses o 10,000 doses ang ipinapadala.