-- Advertisements --
dole

Naglabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng labor advisory na nag-utos sa mga foreign micro and small domestic market enterprises na kumuha ng sertipikasyon mula sa mga Regional Office (RO) ng departamento.

Nilagdaan ni Labor Secretary Bienvenido E. Laguesma ang Labor Advisory No. 20 s.22 na may petsang Oktubre 22, alinsunod sa Republic Act No. 11647 o ang Foreign Investment Act of 1991.

Ang mga bagong patakaran ay nag-aatas sa lahat ng foreign enterprises na kumuha ng sertipikasyon mula sa labor department para sa layunin ng pagpaparehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC) o sa Department of Trade and Industry (DTI).

Isinaad pa sa advisory na ang mga non-Filipino investors na nakikibahagi sa mga negosyo na may bayad na equity capital na hindi bababa sa $100,000, ngunit hindi katumbas ng o higit sa $200,000, ay kinakailangang kumuha ng sertipikasyon at magsumite ng undertaking sa kinauukulang regional office nito.

Sinabi ni Laguesma na dapat ipahiwatig ng mga foreign businesses sa mga gawain na ang karamihan sa kanilang mga direct employees ay mga Pilipino at sa anumang kaso ay hindi dapat bababa sa 15 ang bilang ng mga direktang empleyadong Pilipino.

Ang mga dokumentong ito ay maaaring makuha at isumite sa DOLE ROs na may hurisdiksyon sa concerned enterprise.