-- Advertisements --
Binigyang linaw ni Presidential spokesperson Harry Roque na pinapayagan ang mga food delivery sa anumang oras ng araw.
Sinabi ni Roque na itinuturing na Authorized Person Outside Residence ang nasabing mga food delivery at dapat na hindi sila arestuhin.
Muling iginiit din nito na ang mga delivery at courier services na naghahatid ng pagkain, gamot at mga essential goods ay pinapayagan sa panahon ng enhanced community quarantine ang isang lugar.
Magugunitang naging viral ang isang video ng delivery service ng sitahin ito ng mga barangay officials sa Barangy Muzon sa San Jose Del Monte, Bulacan na hindi umano essentials ang idinideliver nitong lugaw.