Umabot na sa mahigit 1,300 pulis ang natanggal sa serbisyo dahil sa iba’t-ibang mga kaso.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), resulta ito ng kanilang kampanya na linisin ang kanilang hanay mula sa mga miyembro nitong nakakagawa ng mga krimen at iba’t-ibang pagkakasala.
Ayon sa PNP, naresolba rin ang libo-libong administrative cases mula August 26, 2025 hanggang July 15, 2026.
Mahigit 2,000 pulis na rin ang nasuspinde habang 237 ang na-demote ang ranggo, habang ang iba ay pinatawan ng forfeiture of salary at opisyal na-reprimand.
Sa kabuuan, aabot sa 4,534 na mga pulis ang napatawan ng administrative penalties matapos maresolba ang 3,903 administrative cases.
Tiniyak din ng pulisya ang patuloy na pagbabantay nito sa sariling mga miyembro upang masigurong malinis ang buong hanay ng PNP mula sa anumang uri ng katiwalian na posibleng kagagawan ng mga miyembro nito.
















