Nadismaya ang mga fans girl group na Spice Girls sa Cardiff dahil sa naging problema sa sound system.

Sa pangalawang world tour reunion ng grupo sa Principality Stadium sa Cardiff, Wales, hindi sila naging kuntento sa ginamit na sound system.

Marami sa kanila ang hindi makarinig ng mga boses ng grupo habang ang iba ay nagalit dahi sa nagsasapawan ang boses at kanta.

Ilan sa mga dito ay humiling ng refund mula sa organizer dahil sa kapalpakan.

Ito ang pagsasama ng grupo matapos ang paghihiwalay nila siyam na taon na ang nakakaraan.

Sumikat ang grupo noong 1990 bago sila naghiwalay noong 2000 at nagsama noong taong 2008.

Binubuo ito nina Emma “Baby Spice” Bunton, Geri “Ginger Spice” Halliwell Horner, Melanie “Sporty Spice” Chisholm at Melanie “Scary Spice” Brown.

Hindi naman nakasama sa reunion concert si Victoria Beckham o “Posh Spice”.

Ilan sa mga pinasikat nilang kanta ay ang “Spice Up Your Life”, “2 Become 1”, “Wannabe” at maraming iba pa.