-- Advertisements --
Lumobo pa ang bilang ng mga mag-aaral na apektado ng matinding init ng panahon na dulot ng El Niño phenomenon.
Sa record ng Department of Education (DepEd), umabot sa kabuuang 4,769 na mga paaralan ang nagsuspende na ng face-to-face classes at nagshift sa modular distance learning.
Apektado na umano rito ang halos 2.4 million na mga mag-aaral.
Pinakamaraming naapektuhan ay ang Western Visayas na nakapagtala ng nasa kalahating milyong mag-aaral matapos magsuspinde ng face to face classes ang mahigit 1,000 paaralan.
Ipinauubaya naman ng DepEd sa mga local school heads at lokal na pamahalaan ang pagpapasya kung magpapairal ng alternatibong paraan ng pag-aaral ang mga estudyante.