-- Advertisements --
sss

Muling nagsagawa ang Social Security System ng operasyon laban sa mga delikwenteng employer sa Lungsod ng Makati.

Ang nasabing operasyon ay bahagi ng kanilang Run After Contribution Evaders (RACE) kung saan hinahabol ng mga ito ang mga delikwenteng employers o yaong mga hindi nagbabayad ng tamang kontribusyon para sa kanilang mga empleyado.

Ayon sa SSS, pitong mga empoyer sa Makati City ang kanilang pinuntahan matapos matukoy ang kabiguan ng mga ito na mag-remit ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado.

Kabuuang 152 na kasi ang bilang ng mga pinagsama-samang empleyado na naapektuhan dito kung saan umaabot na saP6.64million ang halaga ng mga benepisyong hindi nai-remit ng mga naturang employers.

Umaasa ang SSS na ang kanilang operasyon ay magsisilbing wake-up call sa iba pang mga employers sa buong bansa, na hindi nagreremit ng tamang benepisyo ng kanilang mga empleyado.