-- Advertisements --
Maagang pinauwi ang mga empleyado ng mga korte sa buong bansa ngayong araw na ito.
Nakasaad sa direktibang inisyu ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta na hanggang kaninang alas-12 lamang ng tanghali ang trabaho sa High Tribunal Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals, Presidential Electoral Tribunal at lahat ng first at second level courts.
Ito ay para magkaruon ng panahon ang mga empleyado ng korte na makauwi sa kani-kanilang mga lalawigan kaugnay sa paggunita sa araw ng mga patay kahit sarado muna mula kahapon hanggang sa Nobyembre 4, 2020 ang mga pampubliko at pampribadong sementeryo sa buong bansa.
Ang mga may transaksyon naman sa mga hukuman ay pinababalik na lang sa susunod na linggo.