-- Advertisements --

Patuloy pa rin na nakakatanggap ng mga suspicious packages ang mga diplomatic missions ng Ukraine sa ibang bansa.

Ayon kay Ukrainian Foreign Minister Dmytro Kuleba na nitong nakaraang araw ay nakatanggap pa rin sila ng mga suspicious package na ipinadala sa kanilang embahada sa Italy, Poland, Portugal, Romania at Denmark ganun din ang kanilang konsulada sa Gdansk.

Sa kabuuan ay mayroon ng 31 na mga kaso sa loob ng 15 bansa ang nakatanggap ng nasabing suspicious packages.

Kinabibilangan ito ng tig-iisa sa Croatia, Austria, Denmark, France, Kazakhstan, Netherlands, Vatican at US habang mayroong tig dalawa naman sa Czech Republic, Hungary, Portugal at Romania.

Mayroon namang apat ang naitala sa Italy, anim sa Portugal at limang kaso sa Spain.

Magugunitang hinigpitan ng Ukraine ang ipinapatupad nilang seguridad sa mga embahada at konsulada nila sa iba’t-ibang mga bansa.