-- Advertisements --

Tiniyak ng Office of Civil Defense ang publiko na ang mga donated medical equipment at personal protective equipment (PPEs) ay direktang naipapamahagi sa iba’t ibang health institutions sa bansa.

Sa isang statement, sinabi ni OCD administrator Usec. Ricardo Jalad na strikto ang sinusunod nilang monitoring system sa pamamahagi ng mga donated na medical items at PPEs.

May natanggap daw kasi silang impormasyon na may mga kumakalat online na fake news hinggil sa distribution ng mga kagamitan na ito.

Isa na aniya rito ang larawan na inilalabas mula sa isang military aircraft na ginamit ng netizen para sa negosyo nito, at sinasabing ang mga items sa naturang litrato na for sale.

Sa mga gumagawa ng modus na ito, nagbabala si Jalad na papanagutin nila ang mga indibidwal na nagpapakalat ng maling impormasyon.

Iginiit ng opisyal na may binuo silang section sa website ng ahensya para makita ng publiko ang listahan ng mga donations mula sa iba’t ibang sektor.