-- Advertisements --

Todo panawagan ngayon ang Supreme Court (SC) sa mga hindi pa bakunadong bar takers na magpabakuna ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine bilang dagdag proteksiyon sa kanila bago ang examinations.

Kung maalala ang bar exam ay isasagawa sa Enero 23 hanggang 25.

Sa Bar Bulletin na may petsang Enero 10, sinabi ni Leonen na ang pagpapabakuna ng mga bar takers ay hindi lamang para sa kanila kundi para rin sa kanilang mahal sa buhay at sa komunidad.

Pinaalalahanan din nito ang mga Bar examinees na magpopositibo sa COVID-19 maging sa antigen test man o RT-PCR ay otomatiko raw na hindi papapasukin sa mga local testing centers.

Sinabi naman ni Leonen na ang mga fully vaccinated bar takers ay sasailalim lamang sa isang antigen test sa loob ng 48 hours bago ang first examination.

Kapag nagpositibo sa covid, required itong sumunod sa guidelines ng local testing center mula sa local government unit.

Ang mga hindi naman bakunadong examinees ay required na magprisinta ng negatibong nasal o saliva RT-PCR test results na kinuha sa loob ng 72 hours bago ang first examination.

Dagdag ni Leonen, ang bar takers ay kailangan ding mag-self-quarantine simula ngayong araw Enero 10, 2022.

Kung maalala, iniksian ng SC ang Bar Examination dahil pa rin sa mg concern ng pagkalat ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) at ang pananalasan ng bagyong Odette sa mga lugar na pagdarausan ng examination.

Maliban dito, iniksian na rin ng Korte Suprema ang coverage ng prestihiyosong bar examination.

Sa isang statement, sinabi ng SC na matapos ang rekomendasyon ng Bar chairperson ay nagdesisyon ang mga itong iksian ang coverage maging ang duration ng 2020/21 Bar Examinations pro hac vice.

Sa Court En Banc na isinagawa ngayong araw, ang examination ay isasagawa sa Enero 23, 2022 linggo at Enero 25 araw ng Martes.