-- Advertisements --

Inamin ni Justice Sec. Menardo Guevarra na hindi pa nasibak ang lahat ng 43 tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na iniuugnay sa “pastillas scheme.”

Una rito, isinama pa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa SONA ang umano’y pagkakatanggal ng nasabing mga tauhan ng BI dahil sa pangongolekta ng pera ng mga ito sa mga dumarating na undocumented Chinese na magtatrabaho sa offshore gaming o POGO.

Nabatid na umaabot sa P50,000 hanggang P200,000 ang kinokolekta ng ilang tauhan ng Immigration, para lamang palusutin ang bawat illegal alien.

Ayon kay Guevarra, hindi maaaring masibak ang lahat ng 43 dahil nagpapatuloy pa naman ang imbestigasyon hinngil sa kanilang mga kaso.

Pero ang mga opisyal na sina BI deputy commissioners Al Argosino at Michael Robles ay tuluyang inalis dahil sa mga nailabas na ebidensya laban sa kanila.